Pangako, Madalas tayong umasa sa mga pangako na yan. Kaya madalas din tayong nasasaktan. Madalas tayong napapaniwala o nauuto sa salita o katagang pangako na yan.
Sa totoo lang hindi naman talaga natin kailangan mangako. Kasi kung talagang kayang natin gawin, gawin natin. Hindi yung paasahin at papaniwalain natin yung ibang tao sa pangako natin, pero one day, hindi naman nasusunod o sabihin na nating yung pinangako at napako. Kung alam mong kayang mong gawin, gawin mo. Wag mong ipangako, kasi maaming nasasaktan pag napako yun.